Back
Mica Tan Group, Isla Lipana sabwatan sa investment scam – SEC
May 6, 2024
Inakusahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Isla Lipana & Co. na nakipagsabwatan umano sa self-styled trading wizard na si Mica Francesca Tan upang hikayatin ang mga investor na sumali sa kanyang multi-billion peso Ponzi-style investment scam.
Ang Isla Lipana ay Philippine unit ng PwC, ang pangalawa sa pinakamalaking accounting firm sa buong mundo.
Nakakuha ang Bilyonaryo.com ng kopya ng reklamo na isinampa ng SEC sa Department of Justice (DOH) kung saan inilahad ang mga kuwestiyunableng audit reports ng Isla Lipana ukol sa MFT Group of Companies mula 2018 hanggang 2021 na isang matibay na ebidensiya laban sa scam umano ni Tan sa kanilang mga investor.
Marami umanong nahikayat si Tan na mag-invest dahil sa pangakong makakatanggap sila ng annual returns na nasa 12 hanggang 18 porsiyento ng kanilang puhunan. Kasama na rito ang buwanang bayad sa kanila na 1 hanggang 1.5 porsiyento sa loob ng isang taon, at ibabalik ang principal amount sa pinakahuling buwan ng taon.
Ginamit umano ni Tan ang audited financial statements (AFS) na sinertipikahan ng Isla Lipana sa patuloy na paghikayat ng mga investor.
“The MFT investors relied on the AFS in making investment decisions. The information in the AFS was essential in convincing investors to part with their hard-earned money, and entrust the same to the MFT Group, because they presented the MFT Group as financially healthy and viable,” ayon sa SEC.
15Shares
0Comments
4Favorites
20Likes
No content at this moment.