Back
Carl Corpus, Chris Delos Santos palaban pa sa low medal honor
Feb 20, 2025
Kumikig pa sina Carl Corpus at Chris Delos Santos sa low medal honor pagkaraan ng Philippine
Golf Tour Qualifying School penultimate round sa Splendido Taal Golf Club sa Laurel, Batangas nitong Biyernes ng hapon.
Sinakote ni Corpus ang solo second place sa kabila ng 73 sa isa pang ubod lakas ng hangin sa araw, samantalang kumana si Delos Santos ng second straight 71 para makibuhol sa tersera kay Yuto Hayaski ng Japan na nag-ever-par 72 at pasanin ang kampanya ng mga Pinoy.
Nilagpasan ni Jaehyun Jung ng Korea ang triple-bigey sa 11th hole, bumuwelta sa huling birdie para maisalba ang 73 sa mapagparusa pa ring yugto, pinataas ang bentahe niya sa limang palo at lumapit sa low medal honor.
Sa natitirang isang round na lang, pukpukan pa rin ang rambulan para sa 30 cards ng 10-leg 17th PGT 2025 na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. at pinapadrinuhan ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.).
May 54-hole total na si Jung na five-under 211, limang hampas na kalamangan kay Corpus na mayroong even-par 216.
“I thought I was playing against the wind when I set up for my tee shot on No. 11, but the wind shifted, and the ball ended up in the hazard,” kuda ni Jung sa triple-bogey.
Kahit nadisgrasya , kumpiyansa pa rin ang Koreano sa komportableng kalamangan at giniit na mas magiging agresibo sa final round. (Ramil Cruz)
8Shares
0Comments
13Favorites
7Likes
Say something to impress...
Loading...
Comments
Hot

No content at this moment.

Relevant people
News Tone
8055 Followers
News with an attitude
Related