Back
PhilCycling National Championships for Road Feb. 24-28 na sa Tagaytay
Feb 20, 2025
Mahigit 500 cyclists ang papadyak sa PhilCycling National Championships for Road na lalargahan simula sa Criterum races sa Lunes (Feb. 24) sa Tagaytay City.
Ang karera ang paghuhugutan ng national cycling road team sa para sa taong ito at tampok ang
Men at Women Elite, Under-23, Junior at Youth categories sa Criterium, Individual Time Trial (ITT) at Road.
Presentado ang championships ng MVP Sports Foundation at Standard Insurance na oorganisahin ng PhilCycling na pinamumunuan ni Tagaytay City Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ang pangulo rin ng Philippine Olympic Committee.
May 111 riders sa Men Elite, 133 sa Under-23, 116 sa Junior at combined 97 sa Youth 1 & 2 sa pedalang mga suportado ng Tagaytay City, Excellent Noodles at Philippine Sports Commission.
Gayundin nina Mayors Jose Jecerell Cerrado ng Tuy, Emmanuel Salvador Fronda II ng Balayan, Antonio Jose Barcelon ng Nasugbu at Joseph Peji ng Lian.
Isasapinal ang roster sa women’s races sa Linggo ng umagang team managers, coaches at riders meetings sa Sigtuna Hall ng Tagaytay City Atrium.
Ang Criterium races ay 2.1-km circuit sa Isaac Tolentino Avenue, Acle, Mahogany at Crisanto Tolentino streets na ang start-finish ay sa Praying Hands monument.
Dadayo sa Martes ang event sa Nasugbu at Tuy sa Batangas para sa ITT races, at sa Martes-Biyernes ang Road events na may 44-km circuit at start-finish area sa Barangay Putol sa Tuy na daraan sa Nasugbu, Balayan at Lian national highways.
12Shares
0Comments
14Favorites
4Likes
No content at this moment.