Back
Brooke Van Sickle, Angels totodo lahat para sa titulo vs Creamline
Apr 11, 2025
Mga laro ngayon: (PhilSports Arena)
3 pm – Choco Mucho vs Akari (sudden death for bronze)
7 pm – Creamline vs Petro Gazz (sudden death for gold)
Bulilyaso sa Game 2 noong Huwebes, inaasahang hindi titiklop ngayon (Sabado) si Brooke Ban Sickles at tropa sa Petro Gazz upang masungkit ang pangatlong kampeonato kontra sobrang patok, 10-time titlist Creamline.
Kaugnay ito sa rambulan ng dalawa sa winner-take-all 8th Premier Volleyball League 2024-25 Al-Filipino Conference Finals Game 3 sa inaahang dudumuging may 10,000 upunang PhilSports Arena simula sa 7:00 nang gabi.
Magpapangabot din sa do-or-die sa kagayang race-to-2 win series para sa tersera ang may mga 1-1 win-loss ding Akari at Choco Mucho sa alas-3:00 nang hapon sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc. na hatid ng Watsons.
Pinagtig-isahan ng Angels at Cool Smashers ang unang dalawang match na parehong umabot ng 5-set sa torneong mga pinapadrinuhan ng ArenaPlus, Fabriano Appliances, Milcu, iColor & Argan Beauty, Tapa King, Sport Radar at Mikasa.
Makakaagapay ni BVS sina Mar Jana “MJ” Phillips, Jonah Sebete, Myla Pablo, Nicole Anne Tiamzon at Djanel Welch Cheng samantalang ikakasa ang Creamline sina Bernadeth Pons, Jessica Margaret “Jema” Galanza, Jeannette “Pangs” Panaga, Michele Theresa Gumabao, Diana Mae “Tots” Carlos at Kyle Angela Negrito.
3Shares
0Comments
7Favorites
7Likes
No content at this moment.