Back
Mark Barroca pumapel, Magnolia nilaklak San Miguel sa extra period
Apr 19, 2025
Sumuot muna sa 5-minute extra time ang Magnolia Chicken Timpladosbago umeksena si veteran Mark Barroca para kaldagin ang sister team San Miguel Beer 98-95 sa huling laro ng PBA 49 Philippine Cup elims bago ang Holy Week break nitong Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nanguna ang 24 points, 7 rebounds ni Zavier Lucero sa Hotshots, binak-apan ng 21 points, 5 assists ni Jerom Lastimosa.
Naka-double digits din sina Calvin Abueva (11 points, 10 rebounds), Peter Alfaro (11) at Paul Lee (10).
Naka-7 points lang si Barroca pero krusyal ang 4 points niya nang kumpletuhin ng Hotshots ang comeback mula 14-point down.
Inupuan ng Magnolia ang early lead sa malinis na 3-0 card.
Nagsumite ng tig-17 points sina Juami Tiongson at June Mar Fajardo na nagbaba pa ng 17 rebounds pero napigil ang Beermen sa 2-1.
Tulad ng inaasahan, pukpukan ang bakbakan ng dalawa.
Umabante 58-44 ang San Miguel, ibinaba ng Magnolia 67-61 pagkatapos ng third quarter.
Sa likod nina Jerom Lastimosa at Zavier Lucero ay nakabalik sa fourth ang Hotshots para ibuhol sa 87-87 pagkatapos ng 48-minute play.
Pagpasok ng jumper ni Tiongson para sa 87-86 lead ng SMB, nagkaroon ng huling tsansa ang Hotshots nang bigyan ni Don Trollano ng shooting foul si Jerom Lastimosa 12 seconds na lang.
Isa lang ang naipasok ni Lastimosa sa foul shots para itabla sa 87, sablay ang 2-pointer ni June Mar Fajardo sa buzzer.
4Shares
0Comments
3Favorites
16Likes
Say something to impress...
Loading...
Comments
Hot

No content at this moment.

Relevant people
News Tone
8125 Followers
News with an attitude
Related