Back
47°C init sumirit sa San Ildefonso, Bulacan – Pagasa
Apr 20, 2025
Pumalo sa 47°C ang naramdamang init sa San Ildefonso, Bulacan habang 15 pang lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng `danger’ level na heat index nitong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 20.
Base sa Highest Heat Index report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bukod sa San Ildefonso, Bulacan ay naramdaman naman ang 45°C na init sa Aparri, Cagayan.
Narito ang iba lang lugar na nakapagtala ng `danger’ level na heat index nitong Linggo: Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City; Dagupan City, Pangasinan; Tuguegarao City, Cagayan; Casiguran, Aurora; at Cubi Point sa Subic Bay, Olongapo City;
Sa Calabarzon, naramdaman ang pinakamataas na heat index na 44°C sa Sangley Point sa Cavite City habang 43°C naman sa Ambulong, Tanauan, Batangas.
Sa MIMAROPA o Region 4-B, pinakamataas ang 44°C na heat index sa Puerto Princesa City, Palawan habang 43°C sa San Jose, Occidental Mindoro.
Sa Bicol Region, naitala ang 44°C sa Daet, Camarines Norte at 42°C sa Masbate City, Masbate.
Sapol naman ng mataas na heat index ang Dumangas, Iloilo sa Western Visayas na naitala 43°C samantalang 42°C sa La Granja, La Carlota, Negros Occidental sa Negros Island Region.
Pumalo naman sa 43°C ang naramdamang init sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
7Shares
0Comments
11Favorites
9Likes
No content at this moment.